Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa.
  Dalawa ang panandang ginagamit sa pang-abay na pamaraan: (1) ang panandang nang at (2) ang na/ng. Narito ang mga halimbawa:
  1. Kinamayan niya ako nang  mahigpit
  2. Natulog siya nang  patagilid.
  3. Bakit siya umalis na  umiiyak?
  4. Lumapit ditong  tumatakbo ang bata
  5. Naluluha siya nang  nagpasalamat.